Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.4 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 331 kilometers southeast ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, 8:13 ng umaga ng Martes, May 9.
May lalim na 34 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng aftershocks. (DDC)