Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho bahagyang nabawasan noong buwan ng Marso
Bahagyang nabawasan ang bilang ng mga unemployed na Pinoy noong nakaraang buwan ng Marso.
Sa resulta ng Labor Force Survey ng Philippine Satistics Authority (PSA), mayroong 2.24 million na nasa working age na Filipino ang walang trabaho.
Ito ay kumakatawan sa 4.7 percent na unemployment rate na mas mababa sa 4.8 percent unemployment rate o 2.47 million na unemployed noong Pebrero.
Nakapagtala naman ang PSA ng P45.58 million na nasa working age na Filipino na mayroong trabaho.
Ito ay kumakatawan sa 95.3 percent na employment rate. (DDC)