Intersection ng Lanuza Ave. at C5 Road isasara ng ilang araw
Simula Martes (May 9) ng gabi ay isasara sa daloy ng trapiko ang intersection n C-5 at Lanuza Avenue Southbound sa Brgy. Ugong, Pasig City.
Sa abiso ng Pasig City Information Office ang pagsasara ay araw-araw mula May 9 hanggang May 20, tuwing 10:00 p.m. hanggang 5:00 a.m.
Ang temporary closure ay dahil sa proyekto ng Manila Water.
Narito ang mga alternatibong ruta na maaaring magamit ng mga motorista:
Mula sa C-5 southbound:
– kanan sa Ortigas Avenue
– kaliwa sa Meralco Avenue
– kaliwa sa Capt. Javier St.
– kanan sa Danny Floro St.
– kaliwa sa Shaw Blvd.
– diretso sa Pasig Blvd. to C5