Labi ng 4 na OFWs na nasawi sa sunog sa Taiwan, naiuwi na sa bansa
Dumating na sa bansa ang labi ng apat na overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa sunog sa isang pabrika sa Taiwan.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Admnistration (OWWA), inilabas mula sa Pairpags Cargo ang labi ng apat na OFW.
Ang mga labi inendorso sa apat na OWWA Regional Offices papauwi sa kanilang probinsya.
Ang apat ay nasawi sa nasunog na pabrika ng Lian-Hwa Foods Corp. sa Changhua County, Central Taiwan noong Apr. 25.
Unang kinilala ang mga ito ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chair Silvestre Bello III bilang sina Renato Larua, 30, ng Cavite; Nancy Revilla ng Marinduque; Aroma Miranda ng Tarlac at Maricris Fernando ng La Union. (DDC)