Siyam na lugar sa bansa nakapagtala ng delikadong antas ng Heat Index
Umabot sa “danger” level ang naitalang heat index sa siyam na lugar sa bansa araw ng Linggo, May 7.
Sa datos mula sa PAGASA, kabilang sa pitong lugar na naitala ang mataas na heat index ang mga sumusunod:
• Iba, Zambales – 44 degrees Celsius
• Ambulong, Tanuan Batangas – 43 degrees Celsius
• Aparri, Cagayan – 43 degrees Celsius
• Zamboanga City, Zamboanga Del Sur – 42 degrees Celsius
• Butuan City, Agusan Del Norte – 42 degrees Celsius
• Dagupan City, Pangasinan – 42 degrees Celsius
• Davao City, Davao Del Sur – 42 degrees Celsius
• Dipolog City, Zamboanga Del Norte – 42 degrees Celsius
• Laoag City, Ilocos Norte – 42 degrees Celsius
Maraming lugar naman sa bansa ang nakapagtala ng “extreme caution” level ng heat index na nasa pagitan ng 33 hanggang 41 degrees Celsius.
Sa PAGASA Science Garden sa Quezon City umabot sa 41 degrees Celsius ang naitalang heat index. (DDC)