Las Piñas LGU: Konstruksiyon ng bagong Las Piñas City College of Engineering Nene Aguilar Campus, sisimulan na

Las Piñas LGU: Konstruksiyon ng bagong Las Piñas City College of Engineering Nene Aguilar Campus, sisimulan na

Umarangkada na ang konstruksiyon ng bagong gusali na may 10 palapag ng Las Piñas City College of Engineering Nene Aguilar Campus sa Barangay Talon Dos.

Ang nasabing hakbang ay pinangunahan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Las Piñas.

Ayon kay Mayor Imelda “Mel” T. Aguilar ang pagtatayo ng karagdagang gusali sa kolehiyo ay bahagi ng kanyang pinaprayoridad na programang pang-edukasyon upang maihatid ang mas dekalidad na edukasyon at libreng pag-aaral para sa mga Las Piñeros.

“Naging posible ang proyektong ito sa tulong ng bise-alkalde at sa pinamumunuang Sangguniang Panlungsod (City Council) upang maglaan ng sapat na pondo na gagamitin sa ganitong magagandang programa ng lokal na pamahalaan”, dagdag pa ni Mayor Aguilar.

Binigyang-diin pa ng alkalde ang importansiya ng bagong kolehiyo dahil mabibigyan ng maganda at makabagong mga pasilidad ang mga estudyante na nagnanais mag-aral ng libre sa iba’t ibang kurso ng engineering.

“Isa ito sa paraan niya upang ibalik ang ipinagkaloob na tiwala at walang sawang suporta ng mamamayan  ng Las Piñas sa ilalim ng kanyang ipinangakong tuloy ang tapat at progresibong serbisyo”, giit ng alkalde.

Tiwala si Mayor Aguilar na sa pamamagitan nito ay makalilikha ng maraming mahuhusay at propesyunal na inhinyerong taga-Las Piñas na maghahatid ng tagumpay at karangalan hindi lamang sa lungsod kundi sa ibang panig ng daigdig.

Malugod na inihayag din ni Mayor Aguilar na mahigit sa 4,000 na iba pang iskolar ng Las Piñas ang inaasahang makikinabang sa libreng pag-aaral sa kolehiyo kapag nakumpleto ang konstruksiyon ng naturang campus.

Nitong Mayo 2,2023, isagawa ang simpleng ground breaking ceremony sa pangunguna ni City Mayor Aguilar kasama si Vice Mayor April Aguilar, ang anak ng alkalde ng lungsod.

Dumalo rin ang mga konsehal ng Las Piñas na sina Councilors Danilo Hernandez, Mark Santos, Peewee Aguilar, Lord Aguilar, Florante Dela Cruz, Henry Medina, Roberto Cristobal, at Rachelle Dela Peña,

Kasama rin sa mga sumaksi sa nasabing ground breaking si DFCAM-CLP President Ramoncito Jimenez at ang mga department heads ng lokal na pamahalaan ng Las Pińas. (Noel Talacay)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *