13 PDLs sa NBP isolation ward nadischarge na

13 PDLs sa NBP isolation ward nadischarge na

Nadischarge na mula sa National Bilibid Prison- isolation ward ang 13 Persons Deprived of Liberty (PDLs) matapos magnegatibo na ang resulta ng kanilang ikalawang rapid antigen test kaninang umaga ng May 5 ayon sa pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon pa sa report ng BuCor dalawang PDLs ang inilipat sa ibang ward dahil sa medical conditions.

Sinabi naman ni Dra. Maria Cecilia Villanueva, Director ng BuCor Health and Welfare Services na kabilang ang 13 sa unang batch na nagpositibo sa Covid-19.

Idinagdag pa ni Dra. Villanueva na sa kasalukuyan ay nasa 75 na PDLs ang nananatili sa isolation dahil sa mild symptoms kasama na rito ang 15 senior citizens.

Dalawa pang tauhan ng NBP ang nagpositibo sa Covid-19 kaya umabot na sa 7 ang bilang kanilang personnel ang nahawa sa virus. Sila ay inabisuhang sumailalim sa self isolation sa kanilang bahay matapos bigyan ng medical prescriptions.

Wala namang naiulat na kaso ng Covid-19 sa ibang prison at penal farms sa bansa ani Villanueva.

Matatandaan sa kasagsagan ng pagdinig sa House of Representatives Committee on Appropriations noong isang araw, inihayag ni Department of Health OIC- Maria Rosario Vergeire na “walang” dapat ikaalarma sa kabila ng pagtaas ng bilang ng positivity rate ng COVID cases sa bansa lalo na’t karamihan sa mga kaso ay pawang mild at asymptomatic. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *