6.6 Inflation rate naitala ng PSA noong nakaraang buwan ng Abril
Bumagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo noong Abril kumpara noong buwan ng Marso.
Ito ay makaraang makapagtala ang Philippine Statistics Authority (PSA) ng 6.6 inflation rate noong Abril na mas mababa kumpara sa 7.6 percent noong Marso.
Ayon kay National Statistician Dennis Mapa, ang pangunahing dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation nitong Abril ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages.
Partikular na bumaba ang presyo ng gulay, Tubers, Cooking Bananas at iba pa.
Ayon sa PSA, bumaba ang presyo ng sibuyas; Fish and other seafood, gaya ng galunggong; at Meat and Other Parts of Slaughtered Land Animals, gaya ng manok.
Ang pangalawang nag-ambag sa pagbagal ng antas ng inflation ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng transport dahil sa pagbaba ng presyo ng diesel at gasolina.
Habang ang pangatlong nag-ambag sa pagbagal ng antas ng inflation ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels. (DDC)