DOTr inaalam ang posibilidad na makapag-suplay ng plastic cards ang NPO para sa driver’s license
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Transportation (DOTr) sa National Printing Office (NPO) hinggil sa posibilidad na makapag-supply ito ng plastic cards para sa driver’s license.
Tugon ito ng DOTr sa nararanasang kakapusan ng suplay ng license cards dahilan para mag-isyu muna ng pansamantalang driver’s license ang LTO sa mga motorista na naka-imprenta sa papel.
Kamakailan nakipagpulong si DOTr Sec. Jaime Bautista Jr. sa direktor ng NPO para matukoy ang posibilidad na makuha ang serbisyo nito kung kakailanganin.
Posibleng ding makipag-usap ang DOTr secretary sa APO Production.
Sa ngayon ay mayroong nagpapatuloy na bidding ang Central Bids and Awards Committee (BAC) para sa magiging supplier ng license cards. (DDC)