Labor Day Kadiwa kumita ng mahigit P6.4 million
Umabot sa mahigit P6.4 milyon ang kinita ng Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa sa buong bansa noong May 1, Labor Day.
Ang National Capital Region (NCR) at Central Luzon ay kapwa nakapagtala ng mahigit tig-P1 milyon kita ang .
Nakapagtala ang NCR ng benta na nagkakahalaga ng P1,009,903 sa Kadiwa na ginanap sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Samantala, ang mga Kadiwa outlet sa Central Luzon na itinayo sa San Jose Del Monte City sa Bulacan; Angeles City sa Pampanga; at Mariveles sa Bataan, ay nag-ulat ng benta na nagkakahalaga ng P1,009,056.
Ang iba pang Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa sa Luzon ay nakapagtala din ng malaking kita.
Sa pagdiriwang ng Labor Day, naglagay ang DOLE ng 29 Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa outlet sa buong bansa kung saan inialok sa mga Pilipinong manggagawa ang abot-kaya at de-kalidad na produkto mula sa 606 negosyo at 1,223 tindero. (DDC)