74 na Pinoy galing Sudan nakabalik na ng bansa

74 na Pinoy galing Sudan nakabalik na ng bansa

Ligtas na nakabalik sa bansa ang 74 pang Pinoy repatriates galing Sudan.

Sa nasabing bilang ng mga umuwing Pinoy, 44 ay pawang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sinalubong sila ng mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ito na ang ika-pitong batch ng mga Pinoy galing Sudan na nakauwi sa bansa matapos silang mailikas mula sa Argeen Border, na gitna ng Sudan at Egypt.

Kasama nila sa biyahe si OWWA Administrator Arnell Ignacio na pumunta ng Sudan noong April 27 para magbigay ng agarang tulong sa mga apektadong Pinoy.

Sinundo ni Ignacio ang mga Pinoy mula sa border hanggang sa Cairo.

Ang mga umuwing Pinoy ay tatanggap ng financial assistance, food assistance, hotel accommodation kung kinakailangan habang naghihintay ng kanilang flights patungo sa kanilang probinsiya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *