US visit ni PBBM nagbunga ng $1.3B na halaga ng investment pledges
Nakakuha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng $1.3 Billion na investment pledges sa kaniyang pagbisita sa Estados Unidos mula May 1 hanggang May 4, 2023.
Inihayag ito ng pangulo bago ang kaniyang pag-alis sa U.S. para magtungo naman sa London upang dumalo sa coronation ni King Charles III.
Ayon sa pangulo, umabot din sa 6,700 na trabaho ang inani ng Pilipinas mula sa official visit ng pangulo sa U.S.
Ang mga pamumuhunan na ito ay mula sa iba’t ibang kumpanya sa U.S. sa mga sektor ng manufacturing, information technology, renewable energy, healthcare, at research and development.
Welcome sign ayon sa pangulo ang ipinakitang interest ng mga investor na magtiwala at maging kumpiyansa sa Pilipinas bilang kanilang investment destination. (DDC)