F2F classes sa ilang unibersidad sa Maynila sinuspinde; TUP nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga mag-aaral

F2F classes sa ilang unibersidad sa Maynila sinuspinde; TUP nakapagtala ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga mag-aaral

Suspendido muna ang pag-iral ng face-to-face classes sa Technological University of the Philippines (TUP) sa Maynila hanggang sa May 15, 2023.

Ayon sa abiso ng unibersidad, hanggang sa nasabing petsa ay magpapatupad ng class modality at alternative work arrangement scheme sa kanilang Manila campus.

Simula kasi Apr. 18 hanggang Apr. 28 ay nagkaroon ng pagtaas ng bilang ng mga estudyante mula sa iba’t ibang colleges na nagpositibo sa COVID-19.

Sa ilalim ng flexible learning modalities na ipatutupad ng TUP, ang klase sa undergraduate at graduate programs ay gagawin sa pamamagitan ng online modality.

Ang mga faculty members ay maaaring mag-klase off-site.

Samantala suspendido din ang face-to-face classes sa Lyceum of the Philippines University ngayong araw, May 4 at online modality muna ang ipatutupad.

Ito ay para bigyang-daan naman ang disinfection ng lahat ng mga silid-aralan at opisina.

Ang mga kawani ng unibersidad ay pinayagan mag-“remote” muna, maliban sa tanggapan ng Registrar, Finance, Communication and Public Affairs Department and Information and Communication Technology.

Magbabalik ang face-to-face classes at onsite work ng Lyceum bukas, May 5, 2023.

Una rito ay nag-anunsyo din ang Adamson University na online muna ang klase sa lahat ng antas sa kanilang unibersidad hanggang May 6, bilang precautionary measure sa napaulat na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *