GenSan City nakilahok sa idinaos na “Chikiting Ligtas 2023”
Pinangunahan ni Undersecretary Abdullah B. Dumama, Jr. ang pakikilahok ng General Santos City sa “Chikiting Ligtas 2023” na naglalayong protektahan ang mga bata laban sa measles, rubella, at polio.
Katuwang ng DOH sa aktibidad sina Center for Health Development (CHD) Region XII Regional Director Dr. Aris Tan, CHD XII National Immunization Program (NIP) Manager Dr. Jane Montañer, General Santos City Provincial Health Officer Dr. Arvin Alejandro, Sarangani Provincial DMO V Dr. Shahrir B. Dulduco, at mga opisyal ng General Santos City.
Nagpahayag din ng suporta si General Santos City Mayor Lorelie Geronimo-Pacquiao.
Ayon kay Dumama, responsibilidad ng mga magulang na pangalagaan ang kalusugan ng mga anak.
Dahil dito, hindi aniya dapat na mag-atubili na pabakunahan ang mga bata. (DDC)