LPA na binabantayan ng PAGASA magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa
Uulanin ang malaking bahagi ng bansa dahil sa Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.
Ang LPA ay huling namataan sa 130 kilometers Southeast ng Cuyo, Palawan.
Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.
Dahil sa LPA, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Palawan, Romblon, Masbate, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.
Bahagyang maulap na papawirin naman na may isolated na pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng bansa. (DDC)