MMDA naglunsad ng Bayanihan sa Barangay sa Pasay
Inilunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang “Bayanihan sa Barangay” project nito sa Pasay City, isang clean-up drive na naglalayong tulungan ang malaking populasyon upang ihatid ng ahensya ng mas malapit ang mga serbisyo nito sa publiko.
Isinagawa ang proyekto sa mga Barangays 127, 128, 129, 130, 131, at 132 sa lungsod ng Pasay.
Kabilang sa mga sumusunod na serbisyo ay pagtatanggal ng mga bara sa drainage, paglilinis sa mga daluyan ng tubig, trimming at pruning ng mga puno, sidewalk clearing operations, paglalagay ng pintura sa pedestrian lane, misting, at one-stop shop query service para sa pagsasaayos ng mga paglabag at pagkukumpuni ng mga bakod sa Estero de Tripa de Gallina na isinagawa ng mga tauhan ng MMDA buhat sa mga tanggapan ng Flood Control and Sewerage Management Office, Health, Public Safety and Environmental Protection Office, Sidewalk Clearing Operations Group, at Traffic Engineering Center.
Sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na ang Bayanihan sa Barangay ay pinagandang proyekto ng ahensya na nakatuon sa paglilinis ng waterways at drainage systems.
“This project is a form of participatory governance where we pool our resources to address problems in a specific area with a goal to bring forth cleaner and orderly communities and healthier Metro Manila residents,” ani Artes.
Inihayag din ng Chairman na nakikipag-ugnayan ang MMDA sa World Bank para sa pagpapabuti sa integrated drainage master plan sa buong Metro Manila.
“We will draft a plan for an integrated drainage system which is essential in keeping continuous water flow and avoiding clogging and eventual flooding in the entire Metropolis,” pahayag nito.
Nagpasalamat naman si City Mayor Imelda “Emi” Calixto-Rubiano sa MMDA para sa pag-aangat ng “Bayanihan sa Barangay”.
“With our barangays working together with the MMDA, it will definitely lead us to better and greater achievements as a community and as a city,” sabi ng alkalde.
Bukod sa mga pangunahing serbisyo, isinagawa rin ang orientation sessions ukol sa anti-smoking, anti-littering, solid waste management, disaster preparedness, at trash to cash program. (Bhelle Gamboa)