Operasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Mindoro Occidental balik na sa normal matapos maresolba ang krisis sa kuryente
Naibalik na ang normal na operasyon sa Pamahalaang Panlalawigan ng Mindoro Occidental.
Epektibo araw ng Miyerkules, May 3
balik na sa Lunes hanggang Biyernes – 8:00 AM to 5:00 PM ang serbisyo ng mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ito ay makaraang maresolba na ang krisis sa kuryente sa lalawigan at muling buksan ang 32-Megawatt Powerplant ng OMCPC noong Abril 29, 2023.
Sa bagong Memorandum Order na nilagdaan ni Governor Ed Gadiano, ipinapawalang bisa na ang implementasyon ng compressed work week sa mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan. (DDC)