4 sugatan sa biglang paghinto ng tren ng MRT malapit sa Boni Station

4 sugatan sa biglang paghinto ng tren ng MRT malapit sa Boni Station

Apat na pasahero ng MRT-3 ang nasugatan matapos pumalya ang isang tren nito araw ng Miyerkules, May 3.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, nag-activate ang automatic train protection (ATP) system ng tren habang paparating ito sa Boni Station.

Ang ATP ay safety feature at nag-aactivate ng emergency brake para huminto ang depektibong tren.

Agad namang naiayos ng mga techician ng MRT-3 ang depektibong tren at inalis muna ito sa linya para sa troubleshooting.

Ang apat na pasaherong nagtamo ng minor injuries ay agad nalapatan ng first aid ng Lifeline emergency medical technicians (EMTs).

Sa pahayag ni Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino, humingi ito ng paumanhin sa mga naapektuhang pasahero. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *