LPA sa Mindanao magiging bagyo sa susunod na 48-oras
Posibleng maging ganap na bagyo sa susunod na 48 na oras ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA sa Mindanao.
Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa coastal waters ng Laguindingan, Misamis Oriental.
Ayon sa PAGASA, sa susunod na 24 na oras, ang LPA ay maghahatid katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Bicol Region, Visayas, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region.
Ang malakas na buhos ng ulan ay maaaring magdulot pagbaha at landslides.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga susunod na abiso ng weather bureau kaugnay sa nasabing LPA. (DDC)