MIAA GM Cesar Chiong at Asst. GM Irene Montalbo pinatawan ng suspensyon ng Ombudsman
Pinatawan ng suspensyon ng Office of the Ombudsman si Manila International Airport Authority (MIAA) Acting General Manager Cesar Chiong at si MIAA Acting Assistant General Manager Irene Montalbo.
Ang dalawang opisyal ay ipinagharap ng kasong grave abuse of authority at grave misconduct ng mga opisyal ng MIAA dahil sa reassignment sa 285 na empleyado.
Isang buwan pa lamang sa puwesto si Chiong nang isagawa ang paglipipat sa mga empleyado.
Ang reklamo ay anonymous o galing sa mga opisyal ng MIAA na hindi nagpakilala.
Sa paliwanag ni Chiong, sinabi nitong ang paglilipat sa mga empleyado ay bahagi ng hakbang para mapagbuti ang operasyon ng paliparan.
Noong May 1 nakarqanas ng power outage sa NAIA Terminal 3 na nakaapekto sa maraming flights.
Noong Bagong Taon, nagkaroon din ng problema sa NAIA at umabot sa 65,000 na biyahero ang naapektuhan.
Sa May 17, isasara ng anim na oras ang Philippine airspace para bigyang daan ang corrective maintenance sa Air Traffic Management Center. (DDC)