P21.7M na halaga ng tulong ipinamahagi ng DSWD sa mga naapektuhan ng lindol sa Davao de Oro
Umabot na sa mahigit P21.7 million ang naipamahaging tulong ng Department of Social Welfare and Development Region XI sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Davao De Oro.
Ilang araw na nagsagawa ng Emergency Cash Transfer (ECT) ang Disaster Management Response Division (DRMD) ng DSWD katuwang ang LGUs sa mga bayan ng Maragusan, Mawab, Monkayo, Compostela, New Bataan, at Nabunturan.
Sa kabuuan, sinabi ng DSWD Region XI na umabot na sa 21,707,820 pesos ang naipamahaging tulong-pinansyal sa mga naapektuhan ng lindo.
Ang mga pamilya na nawalan ng tirahan ay ay tumanggap ng P9,960..
Kung partially damaged naman ang bahay, ay tumanggap sila ng P4,980 kada per household.
Sinabi ni DSWD Region XI Regional Director Atty. Vanessa B Goc-ong, nagpapatupad din ang ahensya ng Cash-for-Work program sa Davao de Oro. (DDC)