75 PDLs ng BuCor benipisyaryo ng TUPAD program ng DOLE

75 PDLs ng BuCor benipisyaryo ng TUPAD program ng DOLE

Kabilang ang 75 na persons deprived of liberty (PDL) mula sa Bureau of Corrections (BuCor) sa halos 1,900 na mga benipisyaryo ng Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/ Displaced Worker (TUPAD) program ng ating pamahalaan sa ginanap na selebrasyon ng Labor Day sa SMX Convention Center sa Pasay City.

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama si BuCor Dir. Gen. Gregorio Pio P. Catapang, Jr. ang nag-abot ng certificate of eligibility sa mga PDLs at kanilang pamilya.

Nabatid na kasama ang 75 PDLs sa kabuuang 1,876 na benipisyaryo ng TUPAD program sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Bahagi ito sa pagdiriwang ng DOLE Labor Day na may temang “ Pabahay, Abot Presyo, Benipisyo ng Matatag na Trabaho Para sa Manggagawang Pilipino.”

Nag-alok din ang DOLE ng 12,000 na trabaho mula sa 125 employers sa SMX main jobs fair site.

Inihayag ng DOLE na mayroong 73,779 na oportunidad sa trabaho ang naghihintay sa mga jobseekers sa buong bansa. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *