Bantay Bayan member, 2 pa huli sa ‘droga’ sa Makati at Las Piñas
Tatlong drug suspects kabilang ang isang miyembro ng Bantay Bayan ang dinakip ng otoridad sa hiwalay na buy-bust operations sa Makati City at Las Piñas City.
Pasado alas-10:00 ng gabi nitong Mayo 1 sa AP Reyes St., Brgy. Tejeros Makati City nang madakip ng otoridad ang suspek na si Mariano Caluag y Almeda,alyas Nonoy, 46-anyos,miyembro ng Bantay Bayan matapos umanong bentahan ng ilegal na droga ang isang police poseur buyer.
Narekober kay Almeda ang anim na pakete ng ‘shabu’ na nagkakahalaga ng ₱20,400, buy bust money, Honda TMX 125 motorcycle at susi ng motorsiklo.
Samantala sa Alvarez Compound Saint Louie Village, Brgy. Talon 3, Las Piñas City bandang 10:30 ng gabi nang arestuhin ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa ikinasang buy-bust operation ang mga suspek na sina Jayar Suarez y Florez, 40-anyos at Fernandez Valentino y Ritrera, 28-anyos, kung saan nakumpiska ang apat na pakete na naglalaman ng -‘shabu’ na may street value na ₱47,600 at ₱300 buy-bust money.
Sasampahan ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Bhelle Gamboa)