Mandatory na pagsusuot ng face mask hindi pa kailangang ibalik ayon sa DOH

Mandatory na pagsusuot ng face mask hindi pa kailangang ibalik ayon sa DOH

Hindi pa kailangang ibalik ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ito ang rekomendasyon ng kagawaran kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Vergeire na ang mga naitatalang kaso ngayon ay hindi naman maituturing na severe o critical cases.

Hindi rin aniya ito kahalintulad ng pagtaas na naitala noong kasagsagan ng pandemya noong taong 2020 at 2021.

Ang optional masking ay ipinatupad sa bansa noong Oct. 2022 sa ilalim ng Executive Order No. 7 ni Pangulong Marcos. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *