Mga opisyal ng Davao Airport pinulong matapos makalusot ang isang indibidwal na may pekeng travel documents
Pinulong ni Office for Transportation Security (OTS) Administrator Undersecretary Ma.O Aplasca ang mga opisyal ng Davao International Airport.
Kasunod ito ng insidente sangkot ang isang “non-passenger” na nagkaroon ng access sa paliparan kahit peke ang hawak na travel documents.
Sa nasabing pulong, hiniling ni Aplasca sa mga opisyal ng paliparan na tiyaking naipatutupad ang Airport Security Program na aprubado ng OTS.
Partikular dito ang proseso para sa pagsakay ng eroplano ng mga paalis na pasahero.
Ang pulong ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Philippine Airlines (PAL), Cebu Pacific Inc., Philippines Air Asia, at Philippine National Police Aviation Security Group. (DDC)