Air Traffic Management Center sasailalim sa corrective maintenance activity; flights sa NAIA, Clark at MCIA maaapektuhan

Air Traffic Management Center sasailalim sa corrective maintenance activity; flights sa NAIA, Clark at MCIA maaapektuhan

Magsasagawa ng corrective maintenance activity ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Philippine Air Traffic Management Center (ATMC) sa May 3 at May 17.

Ayon sa abiso ng CAAP, layon ng corrective maintenance activity na ma-repair ang Automatic Voltage Regulator (AVR), mapalitan ang Uninterruptible Power Supply (UPS), at mai-upgrade ang Air Traffic Management System (ATMS) A/B power supply.

Nasa ATMC ang Communications, Navigation, Surveillance / Air Traffic Management (CNS/ATM) system ng CAAP na ginagamit para sa air traffic activities sa sa mga flight sa Pilipinas.

Sa pagsasagawa ngn power supply upgrade sa ATMS ay maglalagay ng bypass panel para matiyak ang tuluy-tuloy na operasyon nito.

Dahil sa gagawing corrective maintenance activity, sususpendihin ang operasyon ng ATMC mula 2:00 ng madaling araw hanggang 4:00 ng madaling araw ng May 3 at 12:00 ng hatinggabi hanggang 6:00 ng umaga ng May 17.

Ayon sa MIAA, ang aktibidad ay makaaapekto sa mga flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Clark International Airport (CRK), at Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

Gayundin sa ilang flights sa 42 pang CAAP commercially operated airports.

Sa sandaling matapos ng mas mabilis ang proseso ay babawiin na ang Notice to Airmen (NOTAM) at magre-resume ang operasyon ng ATMC. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *