Pagasa naglabas ng El Niño Alert
Sa susunod na buwan ng Hunyo posibleng mag-umpisa nang maranasan ang pag-iral ng El Niño sa bansa.
Sa inilabas na El Niño Alert ng PAGASA, nakasaad na 80 percent ang tsansa na maaring tumagal ang pag-iral ng El Niño hanggang sa unang quarter ng 2024
Sa sandaling umiral na ang El Niño sa bansa ay makararanas ng below normal rainfall condition na maaaring magdulot ng tagtuyot sa ilang lugar sa bansa.
Ayon sa PAGASA, mayroon ding ilang lugar sa bansa ang maaaring makaranas ng Habagat.
Ayon sa PAGASA patuloy nitong babantayan ang onset ng El Niño sa bansa at pinayuhan ang publiko at ang mga ahensya ng gobyerno na mag-antabay sa mga ilalabas na abiso. (DDC)