Mga paglabag at multa sa umiiral na Single Ticketing System

Mga paglabag at multa sa umiiral na Single Ticketing System

Paglabag at multa sa umiiral na Single Ticketing System sisimulan na ngayong araw

Ipatutupad na ang mga traffic violations at katumbas na multa ng paglabag na nakasaad sa Metro Manila Traffic Code para sa umiiral na Single Ticketing System (STS) simula ngayong araw.

Kasama ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magkakapareho na ang mga ipapataw na multa sa mga lungsod ng San Juan, Muntinlupa, Quezon City, Valenzuela, Paranaque, Manila, at Caloocan.

Mas convenient na rin ang pagbabayad dahil puwede na itong gawin saan man sa pitong LGU at sa MMDA, o sa mga online payment channels.

Sa ilalim ng bagong sistema ay papatawan ng mula ang mga lalabag sa mga sumusunod:

• Disregarding traffic signs

• Illegal parking (attended and unattended)

• Number coding UVVRP

• Truck ban

• Light truck ban

• Reckless Driving

• Unregistered motor vehicle

• Driving without license

• Tricycle ban

• Obstruction

• Dress code for motorcycle

• Overloading

• Defective motorcycle accessories

• Unauthorized modification

• Arrogance/Discourteous conduct (driver)

• Loading and Unloading in Prohibited Zones

• Illegal counterflow

• Overspeeding

Ang top 20 most common traffic violations ay may pare-parehong multa, contesting procedures, at digital payment platforms. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *