14 na lugar sa bansa nakapagtala ng delikadong antas ng Heat Index
Umabot sa “danger” level ang naitalang heat index sa labingapat na lugar sa bansa araw ng Lunes, May 1.
Sa datos mula sa PAGASA, kabilang sa pitong lugar na naitala ang mataas na heat index ang mga sumusunod:
• Aparri, Cagayan – 44 degrees Celsius
• Catarman, Northern Samar – 44 degrees Celsius
• Catbalogan City, Western Samar – 44 degrees Celsius
• Dagupan City, Pangasinan – 44 degrees Celsius
• Laoag City, Ilocos Norte – 44 degrees Celsius
• Clark, Airport, Pampanga – 42 degrees Celsius
• Iba, Zambales – 42 degrees Celsius
• Legazpi City, Albay – 43 degrees Celsius
• Masbate City, Masbate – 43 degrees Celsius
• Maasin, Southern Leyte – 42 degrees Celsius
• NAIA Pasay City – 43 degrees Celsius
• Tacloban City, Leyte – 43 degrees Celsius
• Tuguegarao City, Cagayan – 42 degrees Celsius
• Zamboanga City, Zamboanga del Sur – 42 degrees Celsius
Maraming lugar naman sa bansa ang nakapagtala ng “extreme caution” level ng heat index na nasa pagitan ng 33 hanggang 41 degrees Celsius.
Sa PAGASA Science Garden sa Quezon City umabot sa 39 degrees Celsius ang naitalang heat index. (DDC)