Coast Guard patuloy na gagamapanan ang tungkulin sa karagatang sakop ng bansa – DOTr
Labis na nakababahala ang panibagong insidente ng pangha-harass sa mga pwersa ng Pilipinas sa bahagi ng West Philippine Sea na Exclusive Economic Zone ng bansa.
Pahayag ito ng Department of Transportation (DOTr) kasunod ng panibagong insidente sa Ayungin Shoal kung saan muntikan nang mabangga ng barko ng China ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon sa DOTr, lehitimong ginampanan ng PCG ang tungkulin nito bilang bahagi ng karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng international law.
Sa kabila ng nangyari sinabi ng DOTr na patuloy na panghahawakan ng PCG ang batas at hindi padadaig sa mga agresibo at mapanghamong aksyon gaya ng ginawa ng barko ng China. (DDC)