Barko ng China muntik nang bumangga sa BRP Malapascua na nagpapatrulya sa West PH Sea

Barko ng China muntik nang bumangga sa BRP Malapascua na nagpapatrulya sa West PH Sea

Muntik nang magkabanggaan ng barko ng China at barko ng Pilipinas habang nasa bahagi ng West Philippine Sea.

Noong April 23, habang nagsasagawa ng supply mission ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) ay namataan ang dalawang Chinese Coast Guard (CCG) vessels na 5201 at 4202.

Naging mainit ang palitan ng radio challenge ng magkabilang panig at sa kabila ng paggigiit ng PCG na dapat umalis sa lugar ang mga barko ng China dahil iyon ay sakop ng Excluzuve Economic Zone ng Pilipinas ay tumangging umalis doon ang mga barko ng China.

Sa halip ay nagsagawa pa ng
dangerous maneuvers ang CCG vessel 5201 at dumikit sa BRP Malapascua.

Umabot sa halos 50 yards na lang ang naging pagitan ng dalawang barko.

Ayon kay BRP Malapascua commanding officer Rodel Hernandez, kung hindi inihinto ang makina ng barko, ay maaaring nabangga na ito sa Chinese vessel.

Ayon sa PCG, ang hakbang na ito ng barko ng China ay nagdulot ng banta sa seguridad ng Philippine vessel at mga crew nito. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *