EO na lilikha sa Water Resources Management Office nilagdaan ni Pangulong Marcos
Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang executive order na lilikha sa Water Resources Management Office (WRMO) sa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Layunin ng tanggapan na matiyak ang pagkakaroon at maayos na pag-manage sa water resources sa bansa.
Sa ilalim ng Executive Order No. 22, mandato ng WRMO na tiyakin ang agarang implementasyon ng Integrated Water Resources Management (IWRM) na naka-salig sa United Nations Sustainable Development Goals gayundin ang pagbuo ng Water Resources Master Plan (IWMP).
Nilikha ang EO para masolusyonan ang problema sa suplay ng tubig dahil sa tumataas na demand bunsod ng pagdami ng populasyon, impact ng climate change at pandemya, at ang pagkakaroon ng hindi pantay na distribution ng water resources.
Trabaho din ng WRMO na lumikha ng credible at timely na water and sanitation data.
Ang WRMO ay pamumunuan ng undersecretary nanitatalaga ng pangulo batay sa rekomendasyon ng DENR secretary. (DDC)