Alert Level 3 itinaas sa Sudan; voluntary repatriation at evacuation umiiral
Itinaas na ng pamahalaan ang Alert Level 3 sa Sudan.
Sa abiso ng Philippine Embassy sa Cairo, Egypt sa ilalim ng Alert Level 3 ay paiiralin ang voluntary repatriation at evacuation sa mga Pinoy sa Sudan.
Ito ay bunsod ng nagpapatuloy na political situation doon.
Pinayuhan din ang mga Pinoy na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy sa Cairo sa sumusunod na mga impormasyon:
WhatsApp/Mobile: (+20) 1227436472
Facebook: PHinEgypt
Email: cairo.pe@dfa.gov.ph