409 na Pinoy nailikas na sa Sudan

409 na Pinoy nailikas na sa Sudan

Umabot na sa 409 na Pinoy ang nailikas ng pamahalaan mula sa Sudan.

Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), sinasamantala ng gobyerno ang tatong araw na ceasefire na idineklara sa Sudan para mailikas ang mga Pinoy.

Sa datos ng PCO, sa 409 na Pinoy na nailikas, 335 dito ay pawang overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang pamilya, na naialis na sa Khartoum na capital ng Sudan at nadala na sa Egypt sa pamamagitan ng pagtahak sa Wadi Halfa Highway.

Mayroon ding 35 OFWs at 15 estudyante ang ligtas ding nailikas patungo sa Egypt with sa tulong ng mga kapwa-Pinoy sa Sudan at ng Department of Migrant Workers (DMW).

Nasa Cairo, Egypt ngayon sina DMW Secretary Susan Ople at Undersecretary Hans Leo Cacdac para pangasiwaan ang evacuation efforts ng pamahalaan at pamamahagi ng welfare assistance sa mga apektadong Pinoy. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *