Suplay ng license plates ng LTO paubos na
Posibleng nakaranas muli ng kakapusan sa suplay ng license plate ng mga sasakyan.
Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Chief Jay Art Tugade para sa mga motorsiklo mayroon na lang natitirang 735,000 na plaka at 3,000 plaka na lang ang natitira para sa 4-wheeled vehicles.
Dahil dito sinabi ni Tugade na maaaring pagsapit ng Hunyo ay ubos na ang license plates para sa motorsiklo at hanggang Hulyo na lamang ang suplay ng plaka para sa motor vehicles.
Gaya ng dati kapag naubos na ang suplay ng plaka ay maglalagay na lamang ng “improvised plate” sa mga sasakyan.
Siniguro naman ng LTO chief na gumagawa na ng paraan ang ahensya para matugunan ang problema kabilang ang pagbuo ng isang komite.
Magugunitang kamakailan inanunsyo din ng LTO ang problema sa kakapusan ng driver’s license card
Dahil dito ay sa papel na lamang muna naka-imprenta ang mga lisensya.
Pinalawig din ng LTO hanggang Oct. 31, 2023 ang bisa o validity ng driver’s license na na expire simula noong Abril 24, 2023.
Sa gitna ito ng nararansan ngayong kakapusan ng suplay ng plastic cards na ginagamit sa paggawa ng driver’s license. (DDC)