Japanese na sangkot sa financial fraud nadakip sa Pasay

Japanese na sangkot sa financial fraud nadakip sa Pasay

Isang Japanese national na sangkot sa financial fraud sa Japan ang naaresto ng operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa Pasay City.

Ang suspek na si Sato Shohei, 32-anyos, ay nadakip ng BI-Fugitive Search Unit (FSU) sa bisa ng warrant of arrest nang matunton ang kanyang kinaroroonan sa Newport Blvd., Pasay City.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco humingi ng tulong ang Japanese government na hanapin at arestuhin si Shohei sa pinagtataguan nito sa bansa at para maideport siya pabalik sa Japan upang harapin ang paglilitis sa kinasangkutang krimen.

Nabatid sa report ng Japan na si Shohei ay nakipagsabwatan sa iba pang mga pagnanakaw ng pera mula sa mga bank account ng mga biktima.

Nakuha ang ATM cards ng mga biktima sa pamamagitan ng pagpappanggap bilang police officers at financial service agency representatives.

Pansamantalang nakapiit ang akusadong Japanese sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City kung saan kasama na siya sa blacklist ng BI upang hindi na muling makabalik ng Pilipinas. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *