Bishop Julius Tonel hinirang ni Pope Francis bilang archbishop ng Zamboanga
Itinalaga ni Pope Francis si Bishop Julius Tonel bilang bagong archbishop ng Zamboanga.
Papalitan ng 66-anyos na si Tonel si Archbishop Romulo dela Cruz na pumanaw noong Dec. 2021 sa edad na 74.
Simula noong 2021 ang archdiocese ng Zamboanga ay pinamamahalaan ni Auxiliary Bishop Moises Cuevas bilang apostolic administrator.
Si Tonel ay naordinahan bilang pari noong Apr. 12, 1980. (DDC)