P1.35B stockpiles at standby funds inihahanda ng DSWD para matulungan ang mga magsasaka n amaaapektuhan ng El Niño

P1.35B stockpiles at standby funds inihahanda ng DSWD para matulungan ang mga magsasaka n amaaapektuhan ng El Niño

Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na asistiihan ang mga magsasaka na maaapektuhan ng inaasahang pagtama sa bansa ng El Niño phenomenon.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, may sapat na podno ang ahensya at sapat din ang suplay ng food and non-food items (FNFIs) para maipamahagi sa mga maaapektuhan ng tagtuyot.

Kamakailan pinangunahan ni Gatchalian ang video call meeting sa iba’t ibang Field Offices (FOs) ng ahensya para alamin ang kahandaan ng mga ito sa magiging epekto ng El Niño phenomenon.

Pinatitiyak ng kalihim na mayroong sapat na pondo at bilang ng relief items na naka-preposition sa mga warehouse ng DSWD para agad mai-deploy kung kakailanganin ng mga local government units (LGUs).

Naka-standby na din ang Social Welfare and Development (SWAD) Teams sa iba’t ibang rehiyon at patuloy ang koordinasyon sa mga LGU.

Sa ngayon ang DSWD Central Office, FOs at National Resource Operations Center ay mayroong stockpiles at standby funds na aabot sa P1.35 billion.

Ayon sa PAGASA, ang El Niño ay posibleng maranasan sa bansa sa mga buwan ngd Hukyo, Agosto at Setyembre at maaaring tumagal hanggang sa 2024. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *