Hatol ng korte sa Calbiga, Samar sa lalaking inasunto ng illegal possession of firearms binaligtad ng CA
Binaligtad ng Court of Appeals ang desisyon ng mababang korte sa Calbiga, Samar na nagsasabing guilty sa kasong illegal possession of firearms ang akusadong si Cleto Mar Caballero.
Ayon kay Atty. Alma Uy, abogado ni Caballero, binaligtad at isinantabi ng CA 19th Division ang hatol ng 9th Judicial Region Branch 33 ng Calbiga, Samar laban sa kaniyang kliyente.
Nakasaad sa pasya ng CA na isinulat ni Associate Justice Rogelio Largo, nabigo ang prosekusyon na patunayan na guilty beyond reasonable doubt si Caballero sa kasong isinampa laban dito nang mahulihan umano ng kalibre 45 baril at mga bala noong Sept. 1998.
Dahil sa naging pasya ng CA aquitted na o napawalang sala na sa kaso ang kliyente ni Atty. Uy.
Si Uy din ang siyang private prosecutor sa kaso ng pagpatay kay dating Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino. (DDC)