Mga Pinoy na apektado ng kaguluhan sa Sudan bibigyan ng tulong-pinansyal at hahanapan ng bagong trabaho

Mga Pinoy na apektado ng kaguluhan sa Sudan bibigyan ng tulong-pinansyal at hahanapan ng bagong trabaho

Magbibigay ng tulong pinansyal ang Department of Migrant Workers sa mga Pinoy na nawalan ng trabaho dahil sa kaguluhan sa Sudan.

Ayon sa DMW bibigyan ng 200 dollars ang bawat displaced OFW sa sandaling makatawid na sila sa border.

Una nang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na handa ang pamahalaan sa pagbibigay tulong sa mga Pinoy sa Sudan.

Ayon sa pangulo target ng pamahalaan na samantalahin ang 72 oras na ceasefire na ipatutupad ng nagbabangayang paksyon para mailikas ang mga apektadong Pinoy.

Makikipagpulong din ang DMW sa Ministry of Human Resource and Social Development ng Saudi Arabia kaugnay sa posibilidad na mahanapan ng pansamantalang trabaho ang mga OFW sa Sudan.

Activated na din ang Welfare Assistance Team ng DMW para tugunan ang sitwasyon sa Sudan.

Ang team ay pinamumunuan nina DMW Usec. Hans Leo Cacdac, OWWA Administrator Arnell Ignacio at Labor Attaché Roel Martin. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *