Klase sa elementarya at high school sa Dumaguete City suspendido sa Apr. 27
Nagdeklara ng suspensyon ng klase ang Department of Education (DepEd) sa Dumaguete City sa April 27, araw ng Huwebes.
Ang anunsyo ng class suspension ng DepEd-Central Visayas ay bilang tugon sa liham ni Dumaguete City Mayor Felipe Antonio B. Remollo.
Sa nilagdaang kautusan ni DepEd Central Visayas OIC Schools Division Superintendent Casiana P. Caberte inatasan ang lahat ng public at private elementary at secondary school heads na suspendihin ang klase sa nasabing petsa para mabigyang daan ang Grand Master’s Night activity na gaganapin sa Pantawan II People’s Park.
Inaasahan kasing magdudulot ng pagsisikip sa daloy ng traffic ang nasabing aktibidad.
Lahat ng guro ay inatasang magpatupad ng individual distance learning.
Libu-libong lokal at dayuhang turista ang inaasahang magtitipon para sa Dumaguete City para sa taunang Communications (ANCOM) ng Free and Accepted Masons of the Philippines. (DDC)