Pangulong Marcos tiniyak na naghahanda ang gobyerno para mailikas ang mga Pinoy sa Sudan

Pangulong Marcos tiniyak na naghahanda ang gobyerno para mailikas ang mga Pinoy sa Sudan

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naghahanda ang pamahalaan sa paglikas sa mga Pinoy na naiipit sa kaguluhan sa Sudan.

Ayon sa pangulo, sasamantalahin ng gobyerno ang 72-hour ceasefire na ipatutupad ng nagbabangayang panig.

Sinabi ng pangulo na nakabantay ang pamahalaan sa sitwasyon at humahanap lamang ng oportunidad upang mailikas ang mga Pinoy sa Sudan.

Patungo din sa rehiyon si Migrant Workers Sec. Susan Ople bago pormal na ipatupad ang ceasefire.

Ayon sa pangulo, hindi ligtas land routes palabas ng Sudan dahil sa nagpapatuloy na bombahan habang ang paliparan ay hindi rin operational.

Pinag-aaralan ng gobyerno na madala muna ang mga Pinoy sa Saudi Arabia o sa Djibouti sa East Africa.

Pero ayon kay Pangulong Marcos, ang orihinal na plano ay dalhin ang mga Pinoy sa Cairo, Egypt. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *