MMDA enforcers inihahanda na sa paggamit ng body worn cameras para masugpo ang pangongotong
Isinailalim sa orientation ang mga miyembro ng Traffic Discipline Office (TDO) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) tungkol sa paggamit ng body cameras.
Bahagi ng orientation ang familiarization sa technical specifications, features, at parts ng gadget na gagamitin ng ilang mga traffic enforcers sa kanilang traffic management operations.
Ang bawat camera ay tatagal hanggang 8 oras o isang shift ng isang personnel.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, ang mga recording mula sa mga body cameras ay naka-kunekta na sa bagong MMDA Command Center sa Pasig City na magagamit na ebidensya kung sakaling magreklamo ang isang nahuling motorista.
Mayroong isangdaang (100) body-worn cameras ang ipamamahagi sa mga traffic enforcers ng MMDA na nakatalaga sa apat na magkakaibang lugar sa Metro Manila.
Balak din ni Artes na dagdagan ang mga body cameras sa mga susunod na buwan na inaasahan din na makakatulong sa kampanya ng ahensya laban sa pangongotong. (DDC)