DICT pinulong ang mga telco hinggil sa SIM Registration; posibilidad ng extension kabilang sa tinalakay

DICT pinulong ang mga telco hinggil sa SIM Registration; posibilidad ng extension kabilang sa tinalakay

Ipinatawag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga public telecommunication entities (PTEs) para talakayin ang nalalapit na pagtatapos ng SIM Registration.

Sa nasabing pulong kung saan kasama din ang iba pang ahensya ng gobyerno, pinag-usapan ang status at mga concern hinggil sa pagpapatupad ng SIM Registration Act.

Kabilang dito ang pagresolba sa ilang mga isyu na nararanasan ng mga subscriber gaya ng pagkakaroon ng government-issued IDs na kailangan para makapagparehistro.

Mayroong 17 government-issued IDs na tinatanggap para sa pagpaparehistro ng SIM.

Tinalakay din ang posibilidad na palawigin ang SIM registration period.

Inabisuhan ng DICT ang publiko na antabayanan lamang ang opisyal na anunsyo hinggil dito.

Ayon sa DICT nitong nagdaang mga araw ay nakitaan ng pagtaas ng bilang ng mga nagparehistro.

Muli namang hinimok ng kagawaran ang publiko na iparehistro na ang kanilang SIM para makamit ang pagkakaroon ng ligtas na digital nation. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *