GCash pinag-iingat ang publiko sa “fake news” tungkol sa SIM Registration

GCash pinag-iingat ang publiko sa “fake news” tungkol sa SIM Registration

Pinaalalahanan ng GCash ang publiko sa pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon tungkol sa SIM Registration.

Ito ay makaraang lumaganap sa social media ang mga babala na pagsapit ng April 26, 2023 ay magsasagawa ng shutdown sa mga SIM card na hindi rehistrado at mawawala ang pondong laman ng GCash accounts.

Sa nasabing kumakalat na abiso, hinihikayat ang lahat ng mga GCash account na i-withdraw muna ang kanilang funds.

Ayon sa abiso ng GCash sa kanilang official Facebook page, safe ang funds na laman ng GCash accounts sa panahon ng SIM Registration period.

Kailangan lamang tiyakin ayon sa GCash na maipaparehistro ang SIM bago mag-April 26.

Ito ay para makaiwas sa hassle sa pag-access ng account.

Sakali namang hindi makaabot sa deadline, maaaring ma-recover ang GCash account gamit ang chatbot na “Gigi”. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *