Brand ng alak inireklamo ng pamilya Quizon dahil sa paggamit ng larawan ng yumaong si Dolphy
Nagsampa ng kaso ang pamilya Quizon laban sa manufacturer ng alak na Banayad Whisky dahil sa paggamit nito ng larawan ng yumaong si Dolphy sa kanilang packaging.
Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Eric Quizon ang larawan ng alak, kasabay na rin ng pagbibigay ng babala sa publiko.
Sinabi ni Quizon na ang larawan ng kaniyang ama at ang “banayad whisky” ay patented at mayroong copyrights.
Nakipag-ugnayan aniya sila sa kumpanya ng alak na sa simula ay nakikipag-usap naman sa kanila ng maayos.
Gayunman, kalaunan ay nawalan na sila ng komunikasyon dito.
Paalala ni Quizon sa publiko ang mag Banayad Whisky na ibinebenta sa merkado ay hindi associated sa kaniyang amang si Dolphy o sinuman sa kanilang pamilya. (DDC)