DOH nilinaw na walang ipinatupad na pagtataas ng COVID-19 Alert Level saanmang lugar sa bansa
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi nagtaas ng Alert Level saanmang lugar sa bansa batay sa resolusyon na inilabas ng Inter Agency Task Force para sa petsang April 16 hanggang April 30, 2023.
Ayon sa DOH, pinanatili lamang ang Alert Level 2 sa 26 na lalawigan sa bansa.
Paglilinaw ng DOH, hindi itinaas ang alert sa 26 na lalawigan batay sa mga naglabasang ulat.
Ang Alert Level 2 sa 26 na probinsya ay umiiral na simula pa noong June 2022.
Ang nasabing mga lugar ay nasa low risk na lamang ang classification kung ang pagbabasehan ay ang kaso ng COVID-19 at ang utilization rates.
Gayunman, ang kanilang vaccination rates ay mas mababa pa sa 70% ng target total at populasyon.
Sa sandaling ma-meet ng mga lugar naito ang kanilang target para sa vaccination ay maaari na silang maibaba sa Alert Level 1.
Base sa IATF resolution, nananatili sa Alert Level 2 ang sumusunod na mga lugar:
Benguet
Ifugao
Quezon Province
Palawan
Camarines Norte
Masbate
Antique
Negros Occidental
Bohol
Cebu Province
Negros Oriental
Leyte
Western Samar
Lanao del Norte
Davao de Oro
Davao del Norte
Davao del Sur
Davao Occidental
North Cotabato
Sarangani
Sultan Kudarat
Dinagat Islands
Basilan
Maguindanao
Sulu
Tawi-Tawi (DDC)