Pang. Marcos hinirang si Police Major General Benjamin C. Acorda Jr. bilang bagong PNP chief
Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa change of command ceremony at retirement honors para kay Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Rodolfo S. Azurin Jr.
Idinaos ang aktibidad sa PNP Headquarters sa Camp BGen. Rafael Crame sa Quezon City araw ng Lunes, April 24, 2023.
Si Azurin ang naging kauna-unahang PNP Chief sa ilalim ng Marcos Administration.
Ang pagreretiro ni Azurin ay kasunod ng kaniyang pagsapit sa mandatory retirement age na 56.
Itinalaga naman ni Pangulong Marcos si Police Major General Benjamin C. Acorda Jr., bilang bagong PNP chief mula sa pagiging PNP Director for Intelligence.
Miyembro si Acorda ng Philippine Military Academy (PMA) ‘Sambisig’ Class of 1991. (DDC)