Bisa ng rehistro ng lahat ng bagong motorsiklo, magiging tatlong taon na ayon sa LTO

Bisa ng rehistro ng lahat ng bagong motorsiklo, magiging tatlong taon na ayon sa LTO

Iniutos ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jayart Tugade ang pagpapatupad ng tatlong taong bisa o validity ng rehistro ng lahat ng mga bagong motorsiklo sa bansa.

Base sa kasalukuyang panuntunan sa ilalim ng Republic Act 4136 at Republic Act 11032, ang mga motorsiklong may makina o engine displacement na 201cc pataas lamang ang mayroong 3 years validity para sa initial registration sa LTO.

Gayunman, kasunod ng ginawang pag-aaral ng ahensya ay nagdesisyon si Tugade na gawin na ring tatlong taon ang bisa ng rehistro kahit sa mga motorsiklong may makina na 200cc pababa. sa bisa ng Memorandum Circular No. JMT-2023-2395.

Bahagi pa rin ito ng mga hakbang ng LTO na layong maging mabilis ang mga proseso at mapagaan ang mga transaksyon ng publiko sa ahensya.

Sinabi ni Tugade na dahil bago naman ang mga motorsiklo ay hindi ito magkakaroon ng problema sa roadworthiness sa susunod na tatlong taon.

Kung pagbabatayan ang mga nakalipas na datos ng LTO, tinatayang dalawang milyon na bagong magpaparehistro ng motorsiklo na 200cc pababa ang makikinabang sa bagong polisiya na ito ngayong taon.

Epektibo ang memorandum sa Mayo 15 ng kasalukuyang taon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *