P22.3B na pondo kakailanganin para sa modernisasyon ng BuCor
Kailangan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang halagang P22.3 billion upang umpisahan ang modernisasyon, regionalization at muling pagsasaayos ng bureau upang tugunan ang congestion o masikip na mga piitan at gawin itong world-class standard.
Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na ang Republic Act 10575 o Bureau of Corrections Act of 2023 ang magkakaloob nito habang ang Republic Act 11928 ang magbibigay-daan naman sa pagtatayo ng hiwalay na pasilidad para sa Persons Deprived of Liberty (PDL) na nahatulan ng mga karumal-dumal na krimen at karampatang mga pondo para rito.
Ayon kay Catapang, aabot aniya sa kabuuang P77.7 billion ang kailangan mula 2023 hanggang 2028 para sa konstruksiyon ng mga bagong pasilidad at rehabilitasyon ng mga Prison and Penal Farms sa bansa.
Ang BuCor sa ilalim ng panukala na 2023-2028 BuCor Development and Modernization Plan ay magtatayo ng karagdagang regional prison facilites sa Region 1, Region 2, Region V, Region VII, Region XII, Region XIII, Cordillera Administrative Region at Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao at i-convert ito sa food production centers.
Paliwanag pa ni Catapang upang magawa ito at lumuwag ang kasalukuyang pitong regional prison and penal farms ay muling isaayos ang mga selda sa sumusunod na tatlong kategorya o level offenders.
Kabilang dito ang High-risk o Level 3 offenders na pawang mananatili sa isang selda na para lamang sa dalawang PDL sa loob dahil ikinokonsidera silang pinaka-mapanganib o highly dangerous/high risk security inmates; Medium- risk o Level 2 offenders na ikukulong sa sa selda na may 8 hanggang 10 katao.
Ang mga kinakailangan ng minimum supervision sa base sa kanilang pag-uugali at Low-risk on Level 1 offenders na kinabibilangan ng mga naghihintay na lang ng kanilang paglaya ay ikukulong sa loob ng selda na mahyrong 15 hanggang 20 na katao.
Kabilang sa pitong prison and penal farms sa bansa ay ang Sablayan Prison and Penal Farm sa Sablayan, Occidental Mindoro; Iwahig sa Puerto Princess, Palawan;San Ramon Prison and Penal Farm, sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur; Davao Prison and Penal Farm, sa munisipalidad ng B.E. Duvalier, Davao del Norte; Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City; New Bilibid Prison sa Muntinlupa City; at Leyte Regional Prison sa Abuyog.
Ang huling prison and penal farm ay itinayo noong Enero 1973 kung saan sa ilalim ito ng Proclamation 1101 sa termino ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na umabot na sa mahigit 50 na taon pagkakatatag nito ayon pa kay Catapang. (Bhelle Gamboa)